Ang manatili sa dating ikaw, ay parang sakit. Sakit na malala, sakit na mahirap pagalingin, sakit sa loob mo na pilit mo mang alisin at gamutin di ko lam na nakapinsala na pala sa iba.
Ang dating ako ay “easy go lucky”.
Kung anu yung gusto ko, yun ang masusunod.
Ang kay makie ay kay makie.
Laro ng laro, gala ng gala, walang paki-alam sa oras,
umuuwi kung anu mang oras gusto umuwi, at nakikipag-away maliit o malaki mang bagay. Masaya ako nuon sa ganon, hangggang dumating ang PAGBABAGO.
Tila tapos na yung malakas na tic’ tac’ ng orasan ng magising ako isang araw. Eto na ako…
Ako na yung makie, na nagseserve sa simbahan, nagsasayaw at kumakanta dun.
Ako na yung makie, na sa school, bahay, at simbahan ang tanging pinupuntahan.
Ako na yung makie, na dapat magseryoso sa pag-aaral dahil sa scholarship.
Ako na yung makie, na kaylangan tumulong sa mga gawaing bahay.
At ako na yung makie na nalapit Sakanya…
Kilala ko na Sya nuon, pero hindi ganun masyado….
Naririnig ko na Sya matagal na,pero hindi pa kame close…
Hindi ko pa Sya nakikita, pero naririnig ko Sya…
Tinawag Nya ako, at sumunod naman ako Sakanya…
Sa ngayon, medyo matagal na din kaming nagkakasama..
Two years mahigit na din, nang simula Nya akong tinawag…
Nung una Nya akong tinawag, hindi ko sya masyadong pinansin,pumunta pa ako “San Pablo” para sagutin yung tawag Nya, pero pag punta ko dun… di ko naman sinagot, nagbago isip ko…
after few months, tinawag Nya ako ulit,.. bigla ko tong sinagot, alam ko kasing mag-bibirthday Sya nun, bali pang b-day gift ko na yun Sakanya. Hanggang napadalas ang mga tawag Nya. Ayun naging close tuloy kame…
mabaet Sya…
Nakakausap ko na Sya madalas ngayon kesa nuon.
Marami na rin akong nalaman about Sakanya.
Nagshare na nga kaming dalwa sa mga story ng buhay namin.
Napaka miserable ng buhay Nya.
Napaka saklap ng nangyari sa buhay Nya.
Pero hanggang ngayon andyan pa rin Sya,
nananatiling malakas at napaka-maunawain.
Napakalaki ng PAGBABAGO ko nung nakilala ko Sya…
Ewan ko bigla na lng, naging matulungin ako sa kapwa ko,
Dumating din yung times na hindi na ako “one-sided”,
Dumating din yung times na “ok na ok ako sa lahat ng bagay”.
Na-inspired ako nung nakilala ko Sya.
Pero kahit sabihin mong ganun kame ka-close, alam kong nagtatampo Sya sakin, kasi nakakagawa pa din ako ng mga pinagbabawal Nya, minsan di ko man sinasadya, pero dahil sobrang baet Nya, lagi Nya akong pinagbibigyan at pinapatawad…
Ang bait Nya talaga, at dahil Sakanya
NAGBAGO ang takbo ng buhay ko…
Maraming Salamat Bro.!!!

No comments:
Post a Comment